Sa kabila ng mas mahigpit na pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine (ECQ) protocols may tatlong libo at tatlumput-anim na mga pasaway pa rin ang lumabag sa curfew at ECQ na nadagdag sa bilang ng mga naaresto ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar mula March 17 hanggang kahapon April 22, 2020 umabot na sa 142, 667 ang kabuuang curfew at ECQ violators.
Nadagdagan ito ng 3,036 sa loob lamang ng isang araw.
Panawagan pa rin ni Eleazar sa publiko sumunod sa ECQ protocols para hindi mapasama sa mga naaresto.
Samantala umabot na sa 746 ang naaresto ng PNP dahil sa pagho hoard at pagbebenta ng overpriced na mga medical equipments.
Habang mula March 17 hanggang April 22 umabot na sa 9,501 na mga Public Utility Vehicles (PUV) ang nahuli ng Philippine National Police (PNP) na bumyahe kahit bawal.