Kampo ni Mayor Alice Guo, naghain ng petisyon sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang subpoena ng Senado

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo upang hilingin na ipawalang bisa ang subpoena na inilabas ng Senado laban sa alkalde.

Batay sa kopya ng desisyon, hinihiling nila sa Supreme Court na tigilan na ng Senate Committee on Women, Children and Family Relations ang pagpapatawag sa kontrobersiyal na alkalde bilang resource person.

Umapela rin ang abogado ni Guo sa Korte Suprema na maglabas ng Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction upang huwag ipatupad ang subpoena.


Matatandaang sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado ngayong araw ay hindi sumipot si Guo sa kabila ng subpoena na ipinalabas noong nakaraang linggo.

Facebook Comments