Kontrata ng COMELEC sa Miru Systems, pinaiimbestigahan sa Senado

Ipinasisilip ni Senator Risa Hontiveros sa oversight committee ng Senado ang kontrata ng Commission on Elections (COMELEC) at ang joint venture sa Miru Systems, ang napiling rentahan ng mga voting machines na gagamitin para sa national at local elections sa 2025.

Bunsod na rin ito ng pag-atras ng St. Timothy Construction Corporation na isa sa tatlong kumpanyang kasosyo ng MIRU.

Tinukoy ni Hontiveros na batay sa batas ang withdrawal ng isang partner sa joint venture tulad ng ginawa ng St. Timothy ay lulusaw na sa joint venture.


Sakali mang manatili ang joint venture, tanong naman ng senadora kung may sapat na pondo ang Miru para matupad ang kontrata na nagkakahalaga ng ₱18 billion.

Sinabi pa nito na nagaalala rin ang COMELEC matapos hingan ang MIRU systems ng Net Financial Contracting Capacity (NFCC).

Hindi sana aniya namomroblema ngayon ang COMELEC kung noong una pa lang ay naging competitive at masusi ang bidding process ng commission.

Facebook Comments