Lahat ng resources ng pamahalaan, gagamitin para lang maaresto ang puganteng si Pastor Quiboloy at iba pang kapwa akusado

Hindi titigil ang mga awtoridad sa paghahanap sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy at apat pang kapwa akusado.

Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng resources nito madakip lamang si Quiboloy at iba pa na nahaharap sa mga kasong human trafficking at child abuse.

Ayon kay Abalos tutugisin sina Quiboloy ng pulisya, militar at iba pang law enforcement agencies katuwang ang publiko.


Kasunod nito, patuloy ang panawagan ni Abalos kay Quiboloy at iba pang akusado na sumuko na at harapin na lamang ang mga kaso sa korte.

Una nang nagpahayag ng kumpyansa si Abalos na mahuhuli na ang mga suspek sa lalong madaling panahon dahil unti-unti nang lumiliit ang mundong kanilang ginagalawan.

Si Quiboloy ay may patong sa ulo na ₱10 milyon habang ang mga kapwa akusado nito na sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Jackielyn Roy at Sylvia Cemañes naman ay may tig-iisang milyong pisong pabuya sa sinumang makapagtuturo ng kinaroroonan ng mga ito.

Facebook Comments