Muling binuksan ng Palasyo ng Malacañang ang Laperal Mansion na magsisilbing opisyal na Presidential Guest House ng mga bibisitang foreign heads of state.
Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), ipinasilip ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang bagong renovate na Laperal Mansion sa mga diplomat at ambassador.
Ibinida rito ang eleganteng European-inspired mansion na naglalaman ng 14 na kwarto at dalawang sun rooms na ipinangalan sa ilang nagdaang pangulo ng bansa.
Kasama rin sa features ng Laperal Mansion ang tatlong state rooms na pinangalan kina Magellan, MacArthur, at Dr. Jose Rizal.
Ayon sa PCO, ang muling pagbuhay sa nasabing mansyon ay para ipakita ang magiliw na pagtanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga bibisitang lider ng iba’t ibang mga bansa, na naglalayong mapalakas ang foreign diplomacy.
Bukod dito, naipapakita rin ang heritage o pamana ng kultura sa bansa at lokal na talento ng mga Pilipino.