3M HALAGA, ILALAAN SA COMMUNITY CENTER NG TURAYONG

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan ang isinasagawang konstruksyon sa community center ng Brgy. Turayong sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain John Reyes, nagsimula ang konstruksyon noong ika-22 ng Hunyo at aabutin ng dalawang buwan bago ito matapos.

Aniya, ang proyektong ito ay pinondohan ni Congressman Faustino “Inno” Dy ng tatlong milyong piso.


Kabilang sa mga isasaayos sa nasabing proyekto ay ang stage, bubong, bleachers at ang flooring ng community center.

Sinabi pa nito na kapag naisakatuparan ang proyekto ay maaari itong gamitin bilang evacuation center lalo na at panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments