Mga magulang pinayuhan ng PNP hinggil sa posibleng paglipana ng liquid shabu

Nagbabala ang Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) sa posibleng pagkalat ng liquid shabu sa merkado.

Ito’y makaraang masabat ng mga tauhan ng PDEG ang bagong anyo ng shabu sa ikinasang operasyon sa Maynila kamakailan.

Ayon kay PDEG Director, PBGen. Eleazar Matta, mas mura at mas madaling itago ang liquid shabu kumpara sa tradisyunal na shabu.


Kasunod nito, pinayuhan ng pulisya ang mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak lalo’t target ng mga sindikato ang mga kabataan.

Facebook Comments