Pagkamatay ng ilang Filipino-Americans sa naganap na wildfire sa Maui, Hawaii, inalala ni PBBM sa kanyang pagbisita sa Honolulu

Inalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkamatay nang ilang Filipino Americans sa Maui, Hawaii noong August 15 dahil sa wildfire.

Sa talumpati ng pangulo sa Filipino Community sa Honolulu, Hawaii, sinabi nitong napanood niya mismo sa telebisyon ang pagkamatay ng ilang Filipino Americans dahil sa wildfire noong Agosto.

Kaya naman pinagdarasal ng pangulo na patuloy na maging matatag at malakas ang naiwang pamilya ng mga nasawing Filipino Americans.


Sa mensahe pa ng pangulo, sinabi niyang maging ang kanyang First Lady Liza Araneta Marcos ay nakikiisa at na-appreciate ang Filipino sa Hawaii.

Pinuri rin ng pangulo ang Pilipino sa Hawaii dahil sa ipinakitang magandang imahe ng Pilipinas sa Amerika.

Ang pangulo ay saglit lamang sa Honolulu matapos na dumalo sa APEC Summit sa San Francisco, California.

Nakatakdang dumating mamayang gabi ang pangulo kasama ang kanyang delegasyon.

Facebook Comments