PBBM, walang nakikitang pulitika sa pagbusisi sa budget ng OVP

Hindi daw alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan nanggagaling ang sinasabing pamumulitika sa panig ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa pangulo, lahat naman ng ahensiya ay dumadaan sa budget hearing ng Senado at Kamara at taun-taon rin itong ginagawa.

Sadya aniyang ginagawa ang pag-usisa sa paggastos at mga programa ng bawat departamento para malaman kung sapat ang alokasyon at kung paano itong gugugulin.


Samantala, hindi rin daw naiintindihan ni Pangulong Marcos ang naging hakbang ni VP Sara na paghingi ng paumanhin sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Pero sabi ng pangulo, prerogative yon ng bise presidente.

Ayon pa kay PBBM, hindi na sila nagkakausap ni Duterte at ang huling pag-uusap nila ay noon pang magbitiw ito sa gabinete.

Facebook Comments