Produksyon ng palay at mais, tumaas sa kabila ng El Niño – PBBM

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang tumaas na produksyon ng palay at mais sa kabila ng hamon ng El Niño.

Ayon kay Pangulong Marcos, tumaas ng 1.1% ang ani ng palay, habang 5.9% naman ang ani ng mais.

Sabi ng National Irrigation Administration (NIA), patunay ito na sadyang tumaas ang produksyon ng mga magsasaka ngayong first quarter ng taon, batay na rin sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Malaking tulong ayon sa ahensya ang ginagamit na alternate wetting and drying technology kung saan 30% ng tubig ang kanilang natitipid.

Facebook Comments