3RD ALARM | Sunog, muling sumiklab sa isang bodega sa QC

Quezon City – Muling sumiklab ang sunog sa isang bodega ng frames at muebles sa Tendido Street, Barangay San Jose sa Quezon City.

Bandang alas-5 linggo ng hapon nang biglang umapoy muli ang bahagi ng bodega na agad naapula ng mga bumbero.

Una nang nasunog noong Biyernes, Agosto 31 ang nasabing bodega na pag-aari ng Carni Castle Company.


Umabot ng pitong oras bago tuluyang naapula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Inaalam pa ang dahilan ng muling pagsiklab ng apoy.

Facebook Comments