3rd batch ng Pinoy repatriates mula Gaza, dumating sa bansa

Dumating na rin sa bansa ang ikatlong batch ng Filipino repatriates mula Gaza.

Kasama rin sa mga dumating ang limang Palestinian na asawa ng mga Pinay.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kasama rin sa 3rd batch ang tatlong bata at isang kapapanganak pa lamang na sanggol.


Bukas naman darating ang ikaapat na batch ng Pinoy repatriates mula Gaza.

Umaasa naman ang DFA na makukumbinse na rin ng mga tauhan ng Philippine Embassy ang iba pang mga Pinoy sa Gaza na magpalikas na rin.

Facebook Comments