3rd batch ng Pinoy repatriates mula Sudan, balik-bansa na

Dumating na sa Pilipinas ang ikatlong batch ng mga Pilipinong inilikas mula sa nagpapatuloy na gulo sa Sudan.

Kagabi nang lumapag sa NAIA Terminal 1 ang flight SV870 lulan ang 15 Pinoy repatriates.

Sila ay ang mga Pilipinong tumawid sa Jeddah, Saudi Arabia mula sa Port of Sudan.


Sinalubong sila ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, OWWA, DOLE, at DSWD.

Una nang dumating sa bansa noong Sabado ang 17 OFW mula Sudan.

Sa ngayon, mahigit 600 Pinoy na ang nailikas mula sa Sudan habang hindi lalampas sa 100 ang piniling manatili doon.

Facebook Comments