Tuguegarao City, Cagayan – Apat na libong piso ang nag-aantay sa magiging kampeon sa ikinasang 3rd Caritan Centro Barangay Fiesta Invitational Chess Tournament.
Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News mula kay Ginoong Jeff Tugade, isa sa mga chess players at aktibong manlalaro ng ahedres sa Tuguegaro, ang palaro ay kasabay ng kapistahan ng Barangay Caritan Centro sa lungsod ng Tuguegarao.
Itinaon ito sa araw ng Linggo, Pebrero 10, 2018 upang makasali ang mga kabataan sa naturang torneo. Ang eksaktong kapistahan ng barangay ay sa Pebrero 13, 2018.
Ang nasabing torneo ay magsisilbi ring tune-up game ng mga kabataan sa paparating na CAVRAA 2018 sa Lungsod ng Tuguegarao na magsisimula sa Pebrero 19 taong kasalukuyan.
Ang torneo ay bukas sa sinumang nais makipaglaro at may rehistrasyon na P 150.00 kada isang player Samantalang mas mababa sa halagang P100.00 para sa mga estudyante.
Bilang pribelihiyo sa mga taga Caritan Centro ay libre ang rehistrasyon ng mga manlalaro ng naturang barangay.
Maliban sa top prize na P 4, 000.0 sa magkakampeoon ay P 2,000.00 ang pangalawa. Isang libo ang pangatlo, P800.00 ang pang-apat at limang daan sa pang lima hanggang sa pang sampung puesto.
Ang mga puwedeng maglaro sa naturang torneo ay may rating na 2100 below batay sa January 1, 2018 NCFP rating.
Lalaruin ang torneo sa 7 Round Swiss Sytem na may tig 25 minuto kada player mula 8:00am hanggang 5:00pm sa Tuguegarao North Central School.
Ang mnga tagapatnugot sa torneong ito ay sina Jesus Atanacio at Remel Ramirez na puedeng makontak sa mge cp numbers 0926-084-4330 at 0977-397-9661.