Bineberipika pa ng Department of Health (DOH) ang ulat na pagkakaroon ng third wave ng COVID-19 sa Central Visayas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, -7 percent ang two-week case growth rate ng rehiyon at may Average Daily Attack Rate (ADAR) na 4.5 kaso kada 100,000 populasyon.
Aniya, may sariling granular analysis sa COVID-19 data ang regional offices nito.
Sakali aniyang may kulang silang impormasyon na naibigay, handa ang DOH na dagdagan at linawin ito.
Tiniyak naman ni Vergeire na makikipag-ugnayan sila sa Central Visayas hinggil dito.
Ang Central Visayas ay nakapagtala ng 80,551 COVID-19 cases, 75,169 recoveries at 2,238 deaths.
Facebook Comments