3rd District Rep. Napoleon “Pol” Dy, Umatras na sa Kanyang Kandidatura sa Pagka-gobernador ng Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Umatras na kahapon sa kandidaturang pagka-gobernador si Isabela 3rd District Rep. Napoleon “Pol” Dy matapos itong maghain ng statement of withdrawal sa tanggapan ng COMELEC-Isabela kasabay sa huling araw ng substitution.

Makakalaban sana nito si 1st District Congressman Rodolfo “Rodito” Albano III para sa posisyong Gobernador ng Isabela subalit tuluyan nang binawi ni Cong Pol Dy ang kanyang kandidatura.

Kaugnay nito ay tuloy parin sa kanyang kandidatura sa pagka-bise gobernador si dating Isabela Governor at COMELEC Commissioner Grace Padaca para sa 2019 midterm elections.


Makakatunggali ni Padaca si Incumbent Governor Faustino “Bojie” Dy III na kapatid ni Cong. Pol Dy.

Magugunita na una nang naghain noong Oct. 12, 2018 ng Certificate of Candidacy (COC) si Cong. Pol Dy sa pagka-gobernador habang si Grace Padaca naman ay sa posisyong bise-gobernador ng Isabela.

Facebook Comments