3rd Infrantry Division ng Philippine Army, naka-red alert kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Inilagay ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army sa Red Alert ang lahat ng kanilang Disaster Response Task Units sa Negros Island, kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon kagabi.

Ayon kay 3rd Commander Major General Marion Sison, naka-mobilisa na ang mga tropa at kagamitan, maging ang mga Reserve Unit para sa Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations sa mga komunidad na malapit sa Bulkang Kanlaon.

Aniya, naka-deploy na ang iba’t ibang asset sa evacuation center, logistic needs at medical assistance.


Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng clearing operation ang kanilang mga rengineering unit, para lumikha ng ligtas na ruta patungo sa mga evacuation center.

Nakakalat na rin aniya ang kanilang mga medical team para magbigay ng first aid sa mga apektadong indibidwal.

Facebook Comments