3rd Integrated STEM Leadership Summit at MIT Global Opportunity Initiative in Southeast Asia Launching, sisimulan na ng Unilab Foundation sa November 3; RMN Foundation, dadalo!

Ilulunsad na ng Unilab Foundation ang 3rd Integrated Science, Technology, Engineering and Mathematics o STEM Leadership Summit at Launching ng MIT Global Opportunity Initiative in Southeast Asia simula sa November 3 hanggang 5, 2022 sa Mandaluyong City.

Ang naturang programa ay may temang “Building a High-Income Nation Through a Skilled STEM Talent Pipeline and Robust Ecosystem.

Sa panayam ng RMN Manila kay Unilab Foundation Deputy Director Melvin Magsayo, sinabi nito na ang gagawin nilang programa ay isang plataporma upang magtipon-tipon ang iba’t ibang sektor para magbahagi ng kanilang mga ginawang paraan upang malampasan ang mga hamon dulot ng dalawang taon na pandemya dahil sa COVID-19.


 

Dagdag pa ni Magsayo, naniniwala sila na ang STEM Education ang isa sa magiging susi na makakatulong sa pamumuhay ng mga Pilipino at sa iba pang bansa sa Asia.

Inaasahan na nasa 150 katao ang dadalo sa nasabing face-to-face event ng Unilab Foundation, kabilang na ang RMN Foundation sa pangunguna nina RMN Foundation Head Rhoda Navarro at Corporate Social Responsibility (CSR) Officer Patrick Aurelio.

Facebook Comments