3rd Open and Competitive Selection Process para sa renewable energy project ng bansa, sinimulan na ayon sa DOE

Inihayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi na sinimulan na ng ahensya ang 3rd Open and Competitive Selection Process (OCSP3) para sa renewable energy projects ng bansa.

Ayon kay Cusi kahapon, mayroong 114 na participants ang dumalo para sa nasabing aktibidad na kinabibilangan ng iba’t ibang stakeholders, interested bidders, Local Government Units (LGUs) at National Government agencies.

Sa ilalim ng OCSP3, mayroong 22 Pre-Determined Areas (PDAs) kung saan lima rito ay geothermal at 17 naman ay hydropower resources na iprinisenta sa mga dumalo kahapon sa naturang aktibidad.


Ang nasabing proyekto ay nasa ilalim ng DOE Renewable Energy Management Bureau (REMB).

Sinabi ni Cusi na ang nasabing proyekto ay magpapalakas at magpapabilis sa pag-unlad ng renewable energy sa bansa.

Facebook Comments