3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, isasagawa ngayong araw

Manila, Philippines – Hinihikayat ng NDRRMC ang publiko sa buong bansa na sumabay sa gagawing duck cover and hold mamayang alas dos ng hapon para sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Ayon kay Romina Marasigan, tagapagsalita ng NDRRMC, tuloy na tuloy na ang shake drill ngayong araw na una nang ipinagpaliban noong Sept. 21 matapos magsuspinde ng klase at trabaho sa gobyerno si Pangulong Rodrigo Duterte para sa national day of protest.

Sa strike gymnasium sa Bacoor Cavite ang sentro ng drill na pangungunahan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.


Sa Metro Manila, sa Sandiganbayan ang pilot area.

Ito na ang ikatlong shake drill ng NDRRMC sa taong ito na layong ihanda ang publiko sa pingangambahang the big one.

Facebook Comments