3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw, kinansela dahil sa bagyo

Kanselado ang nakatakdang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw dahil sa epekto ng Bagyong Jolina at inaasahang epekto pa ng Bagyong Kiko.

Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Mark Timbal.

Ayon kay Timbal, mas nais nilang tutukan ngayon ang mga apektado ng bagyo at alam din nilang dahil sa sama ng panahon ay posibleng mas mabagal ang internet connection sa maraming lugar sa bansa.


Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay gagawin lamang online dahil sa kasalukuyang COVID-19 pandemic.

Sa mga online platform ng Office of Civil of Defense o OCD at NDRRMC mapapanood ang Ceremonial Pressing of the Button kapag isinagawa ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Ang OCD ay patuloy na naghahanda sa inaasahang “the big one” o ang 7.2 magnitude earthquake.

Facebook Comments