Manila, Philippines – Aaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ngayong hapon sa sesyon ng Kamara ang panukala para sa pag-amyenda ng 1987 Constitution o ang Resolution of Both Houses #15.
Ayon kay House Speaker Gloria Arroyo, bahagi ng priority measure ni Pangulong Duterte ang pagapruba ng Kongreso sa draft ng federal charter.
Ito na lamang din aniya ang natitira sa mga panukala na nabanggit noon sa SONA ng Pangulo kaya gagawin nila ang pagapruba dito bago pa man mag-Christmas break ang Kamara ngayong Linggo.
Kasunod nito ay mariing itinatanggi ni Arroyo na ni-railroad o minadali ang pagpapasa sa RBH 15 sa ikalawang pagbasa noong Martes.
Giit nito, dumaan sa democratic process ang pagapruba sa draft ng federal charter at itoo ay pinagbotohan ng mga kongresista.
Sa ilalim ng panukala ay aalisin ang term limits ng mga mambabatas at mga local officials.
Inalis din sa federal charter ang anti-dynasty provision na itinatanggi rin ni Speaker GMA na may kinalaman siya dito.