3RD REGULAR QUARTERLY MEETING, ISINAGAWA NG PDRRMC ISABELA

Cauayan City – Muling nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Isabela upang isagawa ang kanilang ikatlong regular quarterly meeting.

Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ni PDRRMO Officer Atty. Constante A. Foronda Jr., kung saan naging sentro ng talakayan ang sitwasyon sa buong lalawigan ng Isabela.

Sa nasabing meeting, inihayag ni DOST-PAGASA Echague-Based Chief Meteorologist Ramil Tuppil na tapos na ang panahon ng El Niño ngunit posibleng makaranas ng 10 hanggang 16 na tropical cyclone bago matapos ang taon.


Ayon naman sa Hydrologist ng NIA-MARIIS na si Engr. Arlen Alejandro, patuloy ang nagiging pagbaba ng lebel ng tubig sa Magat Dam, ngunit sa pamamagitan ng pagtitipid ng paggamit ng tubig sa pamamagitan ng Preventive Maintenance ay napapanatili pa rin ang normal na lebel nito.

Samantala, ibinahagi rin ni Provincial Agriculturist Marites E. Frogoso ang kasalukuyang kalagayan ng mga pananim na mais at palay sa lalawigan, at hinihikayat nito ang lahat na tulungan ang mga magsasaka sakali mang mapinsala ang kanilang mga produkto dahil sa mga sakunang posibleng maranasan.

Facebook Comments