3rd round ng COVID-19 vaccination sa San Juan City, nagpapatuloy ngayong araw

Muling umarangkada ngayong araw ang COVID-19 vaccination rollout ng pamahalaang lungsod ng San Juan na ginagawa ngayon sa FilOil Flying V Centre.

Pinangunahan ni Mayor Francisco Zamora ang 3rd round na pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 sa mga medial at frontliners ng lungsod.

Ayon kay Zamora ito ang kaunaunahang pagkakaton na nakadalo siya sa isinasagawang COVID-19 vaccination rollout simula nang ipatupad ito ng lungsod dahil sumailalim siya ng sel- quarantine matapos siyang magpositibo sa virus.


Ngayong araw, nasa 629 na mga medical at frontliners ang mabibigyan ng bakuna na Sinovac at AstraZeneca.

Kabilang dito ay DOH employees (swabbers, contact tracers, and emergency transport officers), empleyado ng City Health Office, DepEd healthcare workers sa local health at nutrition sections, Disaster Risk Reduction and Management Office employees na nagtatrabaho bilang swabbers, contact tracers, emergency transport officers, barangay health workers at members ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).

Sa kabuuan, aabot na ng 2,047 health workers at frontliners ng lungsod ang nabakunahan na kontra COVID-19, kabilang na rito ang mga health worker ng Cardinal Santos Medical Center at St. Martin de Porris Charity Hospital.

Facebook Comments