Manila, Philippines – Idineklara na ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang Mislatel consortium bilang opsiyal na ikatlong telco player sa bansa.
Sa inilabas na confirmation order ng DICT, binibigyan nila ng 90 araw ng Mislatel para sumailalim sa post qualification evaluation.
Dito ay dapat ilatag na ng mislatel ang kanilang magiging operasyon at kailangan na rin nilang magparehistro sa security exchange Commission o SEC.
Kasabay nito, nagpaalala si DICT Acting Sec. Eliseo Rio na maaari pa ring madiskwalipika ang Mislatel kung hindi nito matatapos ang kanilang requirements na itinakda sa post qualification evaluation.
Facebook Comments