3RD TELCO | Pagpili sa Mislatel, hindi bias – DICT

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na naging patas sila sa pagpili sa Mislatel consortium bilang ikatlong telecom player ng bansa.

Ito ang sagot ng DICT sa pahayag ng Fitch solutions na umano ay pinanigan ng ahensya ang Mislatel dahil isa mga kasosyo nitong kumpanya ay galing sa China na China Telecommunications Corp.

Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio – hindi naging bias ang pagpili sa Mislatel.


Aniya, transparent ang nangyaring selection process.

Inaasahan ng DICT na sa pagpasok ng 2019 ay magiging epektibo itong internet provider para sa mga Pilipino.

Kayang magbigay ng Mislatel ng 27 hanggang 55 megabits per second o MBPS na internet speed o kasing bilis ng internet ng Singapore.

Tiniyak din ng DICT na babantayan nila ang operasyon ng bagong telco para hindi malabag ang seguridad ng mga gagamit nito.

Ang Mislatel ay binubuo ng Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holdings, Mindanao Islamic Telephone Company at China Telcom.

Facebook Comments