Maaari nang makapag-operate simula ngayong araw ang ikatlong telecom player sa bansa.
Ito ay ang Mislatel Consortium.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary for Operations Eliseo Rio –inaasahang igagawad sa Mislatel ng Certificate of Public Convenience and Necessity at frequency to operate.
Sabi ni Rio na nakumpleto na ng Mislatel ang lahat ng hinihinging requirements para makakuha ng lisensya at makapagsimula ng operasyon.
Gumagawa na rin ng mga hakbang ang mga katunggaling Globe Telecom at PLDT-Smart para mapabilis ang kanilang internet speed at makasabay sa serbisyo ng Mislatel.
Target din ng DICT na magkaroon ng ika-apat at ikalimang telecom player sa bansa.
Matatandaang mayroong 5-year commitment sa pamahalaan ang Mislatel na nangangakong makapagbibigay ng 27-megabytes per second na internet speed sa unang taon ng kanilang operasyon.
Posibleng magkaroon na ng subscriber ang Mislatel sa huling bahagi ng taon.