Manila, Philippines – Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang pagbibigay ng kontrata sa 3rd player ng telecommunication sa bansa.
Ito ay matapos hilingin ng DICT na i-extend hanggang sa buwan ng Mayo ang pagbibigay ng kontrata sa mapipiling partner ng Chinese Telecom Company na siyang tatayong 3rd player sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi pinayagan ni Pangulong Duterte ang DICT at mananatili anya ang deadline ni Pangulong Duterte na dapat ay maibigay ang kontrata sa darating na buwan ng Marso.
Nagalit pa aniya si Pangulong Duterte at nagbanta sa mga kumokontra sa pagpasok ng 3rd telecom player na huwag hintayin na iparamdam ng pamahalaan ang kapangyarihan nito.