Iginiit ni Senator Win Gatchalian na sa ikatlong pagkakataon ay mabigyan muli ng ayuda ang mga drivers at operators ng pampublikong transportasyon.
Ang mungkahi ni Gatchalian ay sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Marso nang unang ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱2.5 billion sa ilalim ng pondo ng Department of Transportation para sa 1st tranche ng fuel subsidy sa 377,000 public utility vehicle (PUV) drivers.
April naman ay inilabas ang dagdag na ₱2.5 billion na fuel subsidiy na kinuha sa 12 value added tax sa langis.
Sa una at ikalawang bugso ng fuel subisidy ay nakatanggap ng 6,500 ang bawat benepisaryo na ayon kay Gatchalian ay nagagamit lang sa loob ng walong araw kaya hindi sapat.
Facebook Comments