
Na-rescue ng National Bureau of Investigation (NBI) sa crackdown operation ang apat na biktima ng human trafficking sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City, Angono, at Binangonan sa Rizal.
Kabilang sa na-rescue ng NBI ang tatlong menor de edad at isang adult mula sa sindikatong nasa likod ng trafficking at child exploitation network.
Na-recover din ng NBI agents sa raid sa Valenzuela City ang electronic gadgets na naglalaman ng Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM).
Lumalabas din sa imbestigasyon ng NBI na isang Filipino facilitator ang nagsu- supply ng malaking volume ng illegal material sa long-term partner nito sa Germany.
Ang mga nasagip na biktima ay hawak na ng DSWD.
Facebook Comments










