Inihayag ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya na mas lalong lalakas ang matatag at makasaysayan na ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Sa kaniyang courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ni Kazuya na marami pang mga bagay na dapat gawin ang dalawang bansa partikular sa larangan ng seguridad at ekonomiya.
Nakatutok din aniya ang Pilipinas at Japan sa usapin ng people-to-people exchanges, seguridad at Reciprocal Access Agreement.
Matatandaang bumiyahe sa Japan si PBBM noong February 2023 para sa isang official visit at nasundan pa noong Disyembre para sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit.
Facebook Comments