Water level sa Marikina, binabantayan

Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang Marikina River sa harap na patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Nakatutok din ang Marikina Rescue 161 (MCDRRMO) sa mga lugar o barangay na madalas na binabaha.

Ito ay bagama’t bumaba na sa 12.9 meters ang water level sa Marikina River mula sa 14.2 meters kaninang umaga.


Sa kabila nito, patuloy naman ang pag-iikot ng Rescue 161 o ang ambulance team ng Marikina sa mga pinakamabababang lugar sa lungsod.

Naka-monitor din sa sitwasyon ang Marikina Command Center para sa mabilis na pagtugon sa posibleng rescue operations.

Facebook Comments