Bumagal ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Hunyo 2021.
Sa ikatlong sunod na buwan, nanatiling steady ang inflation rate sa bansa kung saan nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 4.1% noong nakaraang buwan.
Mas mababa ito sa 4.5% na naitala noong Mayo pero mataas pa rin sa target na 2% to 4% ng gobyerno.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation rate nitong Hunyo ay ang mas mabagal na paggalaw ng transport cost.
Facebook Comments