4.1 Trillion Pesos 2020 National Budget, ratipikado na ng Kamara at Senado

Niratipikahan na ng Kamara at Senado ang panukalang 4.1 Trillion Pesos National Budget para sa susunod na taon.

Ito’y matapos magkasundo ang mga Senador at Kongresista sa Bicameral Conference Committee sa final version ng General Appropriations Bill.

Pero sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na Mayroon pa ring nakasiksik na Pork Barrel.


Base sa source ni Lacson, nakapaloob ang 1,253 budget items na nagkakahalaga ng 83.219 Billion Pesos na pinagkunan umano ng mga Kongresista para sa kanilang 742 projects na nagkakahalaga ng 16.34 Billion Pesos na isiningit sa Bicam Report.

Giit naman kay Senate Finance Committee Chairperson, Sen. Sonny Angara, walang iregular sa mga tinukoy ni Lacson na insertions sa budget.

Taon taon ito ginagawa ng mga Kongresista para tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga distrito.

Nilinaw ni Angara na hindi maikokonsiderang Pork Barrel ang nabanggit na mga insertions dahil naka-line item ang mga ito.

Nanindigan din sina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority Leader Martin Romualdez na ipinasa ang budget na walang ‘Pork,’ at walang parked funds.

Facebook Comments