Bahagyang bumagal ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Nobyembre.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 4.2% ang inflation rate noong nakaraang buwan na mas mababa kumpara sa 4.6% na naitala noong Oktubre.
Dahil dito, nasa 4.5% na ang average inflation rate sa unang 11 buwan ng 2021.
Lampas pa rin ito sa target na 2 to 4 percent ng gobyerno.
Samantala, ang pagbagal ng antas ng inflation noong nakaraang buwan ay bunsod ng pagbagal ng paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 3.9% inflation at 93.2% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Facebook Comments