4.2 MILYON INISYAL NA DANYOS SA AGRIKULTURA SA ASINGAN

28

ASINGAN, PANGASINAN – Aabot sa 4. 2 milyon ang naitalang inisyal na danyos sa Agrikultura sa bayan ng Asingan.

Ayon kay Municipal Agriculturist, Ernesto Pascual nasa dalawandaan at sampung tonelada (210) ang hindi na maaring mapakinabangan pa at 100% sa mga ito ay nasa flowering stage na.

Dagdag pa ni Pascual para sa produksyon ng palay ay mabibigyan sila ng pamalit dahil sa mga libreng binhing ipinamamahagi na mula sa sektor ng Agrikultura.


Maari din umanong magsumite ang mga apektadong magsasaka ng kanilang notice of loss para mabigyan ng kaukulang insurance sa kanilang pananim.

Samantala, kinakailangan ang magsasakang magsusumite ng notice of loss ay miyembro ng Philippine Crop Insurance Corporation.

Facebook Comments