4.2 worth na bawang at sibuyas, itatapon lang

Manila, Philippines – Hindi na mapapakinabangan ang aabot sa 4.2 million pesos na halaga ng smuggled na sibuyas at bawang na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkules, Hulyo 12.

Ayon kay Custom Intelligence and Investigation Service Director Niel Estrella –sayang man, hindi nila pwedeng i-auction o i-donate ang mga nasabat na sibuyas at bawang.

Katwiran ni estrella – bukod sa economic sabotage, hindi rin sigurado kung ligtas ba itong kainin.


Base sa record, bawang lang ang nakadeklara sa tatlong container van ng equicent import and export corp mula China.

Pero, nang buksan ito ng mga tauhan ng BOC ay tumambad sa kanila ang mga smuggled na sibuyas.

Facebook Comments