
Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mga smuggled cigarettes sa kinasang anti-smuggling operation sa kahabaaan ng Bypass Road sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City.
Kung saan naaresto ang isang indibidwal na lalaki at nakumpiska sa loob ng isang close van ang 48 kahon ng ilegal na sigarilyo.
Ang nasabing smuggled cigarettes ay tinatayang nagkakahalaga ng 4.3 milyong piso.
Kaugnay nito, nasa kustodiya na ng Police Station 7 Zamboanga City Police ang suspek at ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa tamang pagiimbestiga at para sa kasong isasampa sa nasabing mga suspek.
Facebook Comments









