4.4 milyong halaga ng marijuana plants, sinira ng mga pulis sa Cebu City

37

Pinagsisira ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga marijuana plants na nagkakahalaga ng 4.4 milyong piso sa Sitio Sampinitan, Brgy. Tagba-o, Cebu City.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar, pinagbubunot ng kanyang mga tauhan ang 11,200 fully grown marijuana plants nang isagawa ang operasyon.


Ang taniman aniya ng marijuana plants ay may lawak na aabot sa 800 square meters ay pagmamay-ari ng isang Boy Ardimer.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang manhunt operation para maaresto ang mga nagtanim ng marijuana na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Facebook Comments