Bahagyang bumagal ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa nitong Setyembre.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 4.8% ang inflation rate noong nakaraang buwan, mas mababa kumpara sa 4.9% noong Agosto pero mas mataas pa rin sa 2.3% na naitala noong September 2020.
Pasok naman ito forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 4.9%-5.6%.
Samantala, ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation noong Setyembre ang mabagal na paggalaw sa presyo ng transport (5.2%) na 55.8% share sa pagbaba ng pagkalahatang inflation sa bansa.
Bunsod naman ito ng mabagal na pagtaas ng presyo ng pamasahe sa tricycle (2.7%), jeep (1.2%) at bus (0.9%).
Nakaambag din sa September inflation rate ang food and non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas, restaurant and miscellaneous goods and services.