4 ang patay, 7 ang nakaligtas sa sumadsad na cargo vessel sa Surigao del Norte

Photo Courtesy: PCG Facebook Page

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na 4 ang nasawi habang 7 naman ang nakaligtas mula sa 20 tripulante ng sumadsad na cargo vessel sa baybayin ng Barangay Cantapos, Malimono, Surigao del Norte.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operations ng PCG para sa nawawalang 9 pang mga tripulante ng Landing Craft Tank (LCT), Cebu Great Ocean Norte.

Inaalam pa ng PCG ang sanhi ng trahedya at pagkakakilanlan ng mga biktima.


Facebook Comments