4-anyos, ginawang ashtray ng ama

Puno ng paso ang dibdib ng isang batang lalaki sa Baguio City, matapos itong gawing ash tray ng sariling ama dahil sa hindi raw marunong magbilang.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination ang 26-anyos na ama ng biktima.

Ayon sa lola ng 4-anyos na biktima, nagulat na lamang siya nang makitang puro paso ng sigarilyo ang katawan ng bata.


Kuwento ng bata sa lola, ginagawa ng ama ang pamamaso dahil hindi niya kabisado ang pagbibilang.

Agad naman dinala sa ospital ang bata para gamutin ang mga natamong paso.

Facebook Comments