4, arestado sa mga operasyon kontra droga sa Quezon City

Apat ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Quezon City.

Unang isinagawa ang buy bust operation sa loob ng isang passenger jeepney sa Yale St. near corner Columbia St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Nalambat ng mga operatiba ng Cubao Police Station 7 ang 41 anyos na si John Cafe alias Jumbo.


Nakuha sa kaniya ang walong sachets ng shabu na may street value na ₱4,000.00.

Sa operasyon naman ng Anonas Police Station 9, arestado sina Michael Angelo Guliman, 19, at Michael Gabito, 21.

Inginuso ng isang concerned citizen sa BPSOs ang illegal drug activity sa Tindalo St., Brgy. Quirino 2B.

Naaktuhan ang dalawa na sumisinghot ng marijuana.

Nahulihan naman ng tatlong sachets ng shabu Ang 31 anyos na si Armand Dapadap Sa buy bust operation ng Kamuning Police Station 10 Sa Kamuning Police Station 10.

Facebook Comments