Kinilala ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio ang apat na barangay sa bayan kahapon, Oktubre 28, matapos makamtan ang Drug-Cleared Status mula sa Region 1 Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC).
Sa isinagawang pagsusuri base sa Dangerous Drugs Board Reg. 4, Series of 2021, isa sa mga drug-cleared barangays na hinirang ang Buneg, Cablong, Poblacion District IV at Villegas.
Ayon sa tala ng PDEA Regional Office 1, 720 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pangasinan ang nagkaroon ng Drug-Cleared Status. Habang 77 pa ang kwalipikadong mag-apply sa berepikasyon.
Kaugnay sa balita, nakatanggap ng Certificate of Recommendation at Commendation bilang isang Drug Cleared Barangay ang mga nabanggit na lugar sa bayan ng Pozorrubio.









