Apat na barangay sa Pozorrubio, Pangasinan, Sugcong, Malasin, Manaol at Haway, ang napabilang sa mga national passers ng 2024 Seal of Good Governance for Barangay (SGLGB).
Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang mahusay na pamamahala at pagtupad sa pamantayan ng mabuting pamamahala.
Nagkaloob ang lokal na pamahalaan ng cash incentives bilang pagkilala sa kanilang pagpasa sa 3+1 criteria ng programa.
Sa buong bansa, 3,283 barangay ang kinilala ngayong 2024 dahil sa mahusay na serbisyo sa kanilang komunidad.
Facebook Comments









