4 BARANGAY SA SANTIAGO, MABEBENIPISYUHAN NG LIBRENG SERBISYO

CAUAYAN CITY- Muling mag-iikot at maghahatid serbisyo ang Barangay Kaisakaravan sa apat na barangay sa Lungsod ng Santiago.

Katuwang sa pagbibigay serbisyo ang iba’t-ibang ahensya katulad ng City Agriculture Office, City Health Office, City Social Welfare and Development Office, LDRRMO, Local Civil Registry Office, Persons with Disability Affairs Office at City Veterinary Office.

Kabilang naman sa mga serbisyong ihahatid at ipapamahagi sa mga mamamayan ay ang libreng check-up, gamot, binhi ng gulay, bakuna para sa alagang aso, pagsasaayos ng birth certificate, at legal na konsultasyon.


Magsisimula ang nasabing aktibidad sa ika-16 hanggang ika-23 ng Hulyo sa Brgy. Centro West, Brgy. Nagassican, Dubinan East, at Calao East.

Samantala, bukas naman ang Barangay Kaisakaravan mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Facebook Comments