Sa pambihirang pagkakataon, apat na barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagsama-sama sa Escoda Shoal sa bahagi ng Palawan.
Sa post ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sinabi nito na tatlong 44-meter multi-role vessel ang humimpil kasama ng BRP Teresa Magbanua.
Ayon kay Tarriela, katatapos lamang ng resupply mission ng tatlong barko sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea.
Sinabi pa ni Tarriela na malaking bagay na makita ang watawat ng Pilipinas sa karagatan at simbolo ito ng patuloy na pag-giit sa ating karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.
Naka-deploy ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal upang bantayan ang mga iligal na aktibidad ng China sa inaangking bahagi ng karagatan.
Facebook Comments