Hanap mo ba ay comfort food ngayong malamig na panahon? Daig pa ng jowa mong cold sayo ang mga pagkaing ito na magbibigay init sa iyong kawatan at bubusugin pa ang iyong tiyan!
Narito ang ilan sa mga pinoy favorites tuwing tag-ulan:
Arozz caldo
When you are feeling under the weather, saktong sakto ang Lugaw/Goto to keep your stomach warm. Nakakabusog pa ito dahil ang pinaka sangkap nito ay Bigas o Rice.
Samahan pa ng itlog, tokwa, at manok para mas lalong sumarap ang iyong Lugaw.
Sinigang
Tila hindi nawawala sa hapag nating mga Pinoy ang Sinigang, dahil sa sangkap nitong tamarind or minsa’y bayabas, patok ito sa panlasa natin. May tamang asim, at linamnam ng karne, at ang maiinit na sabaw nito’y masarap kasama sa tag-ulan. Maaari mo itong samahan ng Baboy, Hipon, o Baka.
Champorado
Kung hanap mo naman ay tamis sa malamig mong araw, cravings satisfied ka sa champorado! Dahil sa sangkap nitong Cocoa, at bigas na pinalapot na may kasamang gatas. Champorado will warm both your heart and tummies.
Tip: Kung gusto mo naman pagsabayin ang Tamis at Alat, pwedeng samahan ng tuyo ang iyong champorado.
Pandesal, kape at Palaman
Kung hanap mo ay simple pero masarap kasama sa Tag-ulan, walang tatalo sa mainit na pandesal, na maaari mong samahan ng palaman; peanut butter, keso, o margarine at ipares
sa mainit na kape.
Wala ng dahilan para ma senti ka ngayong tag-ulan. Subukan ang ilan sa mga pagkaing Pinoy na masarap kasama sa malamig na panahon.
Facebook Comments