4 Construction Workers, Patay nang Matabunan ng Gumuhong Lupa; 3 sa mga ito, Napugutan ng Ulo

Cauayan City, Isabela- Patay ang apat (4) na trabahador matapos matabunan ng gumuhong lupa sa isang construction site dakong alas-8:30 kaninang umaga sa Sitio Naduntog, Tiblac, Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay G. Kevin Mariano ng MDRRMO Ambaguio, kinilala ang mga biktima na si Rafael Villar Rafael Villar, 42-anyos; John Retamola, 25-anyos, kapwa residente ng Barangay Ibung, Villaverde, Nueva Vizcaya; Christopher Padua, 38-anyos, residente ng Barangay Sta. Rosa, Bayombong at Carlos Tome, residente naman ng Purok 7, Barangay Bonfal East, Bayombong.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyan noon na naghuhukay ng pundasyon ang mga biktima sa gagawing slope protection wall ng kalsada nang biglang gumuho ang lupa sa itaas ng ginagawang proyekto at natabunan ang mga ito na nasa loob noon ng hinuhukay nilang pundasyon.


Kaugnay nito, sinabi ni Lyndon Ocay, 45-anyos, operator ng backhoe residente ng Santiago City, agad umano silang nakatakbo kasama ang dalawang iba pa subalit hindi pinalad ang apat nilang kasamahan na nasa tinatayang limang metro na hukay kaya agad silang natabunan.

Kaagad namang rumesponde ang MDRRMO, Tam-An rescue team, PNP at BFP para magsagawa ng retrieval operation sa mga biktima.

Pasado alas-12:00 ng tanghali kanina nang matagpuan ang ika-apat na biktima habang ang tatlong iba pa ay napugutan na ng ulo matapos aksidenteng tamaan ng backhoe habang ginagawa ang paghuhukay.

Facebook Comments