4% COVID-19 positivity rate, naitala sa Pilipinas

Nakapagtala ang Pilipinas ng COVID-19 positivity rate na 4 percent.

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa 3.2 percent positivity rate na naitala ng Department of Health (DOH) noong Martes.

Ang Metro Manila naman aniya ay mayroong 3 percent na positivity rate.


Ibig sabihin, sapat ang COVID testing at patuloy nilang nakikita na bumababa ang kaso sa bansa.

Batay sa OCTA, bumaba sa negative 10 percent ang one-week growth rate sa bansa gayundin ang reproduction number o bilis ng hawaan sa 0.42.

Muli naman nagpaalala ang OCTA sa publiko na mahigpit pa ring sundin ang minimum public health standards para mas bumaba pa ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments